DILG, pinakukumpleto na sa mga LGU ang pamamahagi ng SAP emergency subsidy hanggang Abril 30

Nais ni Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Eduardo Año na ganap ng makumpleto sa April 30 ang pamamahagi ng emergency subsidy sa may 18 milyong pamilya na benepisaryo sa ilalim ng Social Amelioration Program (SAP).

Ginawa ng kalihim ang direktiba kasunod ng mga ulat na natanggap ng kanyang tanggapan na mayroon pang mga low-income families na hindi pa rin nakakatanggap ng tulong pinansyal na SAP sa kabila ng kanilang pagkumpleto ng mga SAC forms.

Sinabi ni SecretaryAño na ayaw na niyang makarinig pa ng mga dahilan mula sa mga LGUs.


Ipinaalala ng DILG Chief sa lahat ng Local Government Unit (LGU) na mahaharap sila sa kaparusahan sa sandaling mabigo sa pay out ng tulong pinansyal.

Nakapaloob aniya ito sa nilagdaang nilang Memorandum of Agreement kasama ang Department of Social Welfare and Development (DSWD).

Sa ngayon ay naghahanda na ang DILG para sa pamamahagi ng second wave ng tulong pinansyal ng SAP kung saan pagtutuunan ang mga lugar sa ilalim ng pinalawig na ECQ at sa mga “naiwan” sa first wave.

Facebook Comments