DILG, pinapurihan ng PDEA dahil sa pagkakasabat ng ₱408 milyon halaga ng shabu sa Pampanga

Pinuri ng Department of the Interior and Local Government (DILG) ang Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa pagkakasabat nito ng P408 milyon halaga ng shabu.

Ang buy-bust operation ay isinagawa ng Philippine National Police at Philippine Drug Enforcement Agency sa Barangay San Felipe sa San Fernando Pampanga kahapon.

Ayon sa mga awtoridad nasamsam ang nasa 60 kilo ng shabu mula sa suspek na residente ng Caloocan City.


Pinuri rin ni DILG Secretary Benjamin Abalos Jr., ang mga kapulisan pati na rin ang tatlong mga witness sa operasyon.

Ani Abalos, ito ay simbolo ng kooperasyon at bayanihan.

Dagdag pa ni Abalos, patunay lamang ito na hindi lang small-time dealers ang nahuhuli sa kampanya kontra ilegal na droga ng pamahalaan.

Nanawagan naman si Abalos sa mga alkalde na magsampa ng kaso laban sa mga suspek ng ilegal na droga.

Facebook Comments