Ipinag-utos ng Department of Interior and Local Government (DILG) sa mga Local Government Units (LGUs) na magsumite ngayong araw ng pangalan ng mga low-income families na hindi nakasama sa unang bahagi ng distribution ng Social Amelioration Program (SAP).
Ayon kay DILG Secretary Eduardo Año, ang natitirang limang milyong kwalipikadong benepisyaryo ng SAP ay makakatanggap ng financial assistance na nasa 5,000 hanggang 8,000 pesos depende sa minimum wage sa kanilang rehiyon.
Sinabi ng kalihim na ipaprayoridad sa second tranche ang mga mahihirap na pamilya na hindi nakasama sa unang tranche.
Muling nagpaalala ang DILG sa mga LGU na hindi maaaring hatiin ang financial aid para maraming pamilya ang maabutan ng ayuda.
Matatandaang inirekomenda ng Inter-Agency Task Force (IATF) ssa 23 million low income families ang magiging SAP beneficiaries.