DILG, pinatitiyak sa mga LGUs ang tuluy-tuloy na ayuda sa mga mahihirap ngayong pinalawig ang ECQ

Agad na pinaghanda ng Department of the Interior and Local Government (DILG) ang mga Local Government Units (LGUs) kasunod ng extension ng Enhanced Community Quarantine (ECQ).

Pinatitiyak ni DILG Secretary Eduardo Año sa mga local leaders na makakarating sa mga mahihirap ang mga food supply at mga tulong ngayong matagal-tagal pa silang mananatili sa mga tahanan.

Ayon kay Año, nakasalalay sa kooperasyon ng mga Lokal na Pamahalaan ang pagkamit sa hangaring mapabagal ang pagkalat ng COVID-19 sa susunod na linggo hanggang April 30.


Mahalaga, ayon sa kalihim, na hindi maantala ang pagdeliver ng mga medical at ibang supplies sa mga LGUs.

Pinaalalahanan din ng DILG Chief ang mga LGUs na striktong sundin ang Inter-Agency Task Force (IATF) protocols partikular ang pagpapatupad ng home quarantine, physical distancing at pagsusuot ng facemasks sa pampublikong lugar.

Mahalaga rin na nakahanda at sanitized ang mga public schools, stadiums at ibang pasilidad na magagamit na quarantine center kung kakailanganin.

Facebook Comments