DILG, pinayuhan ang LGUs na huwag magpakampante ngayong napabagal na ang pagtaas ng kaso ng COVID-19 sa bansa

Ipinahayag ni Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Eduardo Año ang Local Government Units (LGUs) na maging listo at huwag munang magpakampante para mag tuluy-tuloy na ang pagkontrol ng pagkalat ng COVID-19.

Ang pakiusap ni Año ay alinsunod sa opisyal na pahayag ng Department of Health (DOH) na nagsisimula nang ma-flatten ang curve ng bilang ng mga nagkasakit sa COVID-19 sa bansa.

Binigyang diin pa nito na kailangan pang palakasin ang contact tracing at pagpapabuti sa mga imprastraktura at pasilidad para sa critical care ng mga suspected at confirmed cases ng virus.


Hindi pa aniya napapanahon ang pagre-relax dahil iniiwasan na magkaroon pa ng second wave at muling lumobo ang COVID-19 cases.

Base sa DOH, sa ngayon anila mayroon nang 10% positivity rate na nagpapakitang nagsisimula nang ma-flatten ang curve.

Isa pang mabuting indikasyon ng pag-flatten ng curve ay ang health capacity ng bansa.

Facebook Comments