DILG, pinayuhan ang mga botante na pumili ng kandidato na may plataporma laban sa korapsyon

Naniniwala si DILG Usec Epimaco Densing na dapat gamiting isyu sa nalalapit na eleksyon lalo na sa local government units ang seryosong kampanya para labanan ang  korapsyon sa gobyerno.

 

Aniya, bagamat maraming ipinapangako sa kanilang pangampampanya ang mga kandidato, hindi naman kabilang dito ang malinaw na plataporma sa paglaban sa katiwalian.

 

Panahon na aniya na hilingin ito ng taumbayan sa mga kandidato ngayong halalan.


 

Base sa datus, malaking halaga ng pera ang nawawala sa mga local government units dahil sa pangungulimbat sa pondo ng bayan.

 

Mula 2013, halos P30 Billion ang nawalang pera kada taon sa LGUs, bagamat tumaas ang  internal revenue allotment  at local revenue noong 2017 mas tumaas pa hanggang P70 Billion kada taon ang nananakaw na pondo .

 

Ang naturang halaga kung nagagamit lamang aniya ng maayos at tama maaari nang maibaba ang poverty incident ng hanggang 1.2% o 1.5  Filipinos na nakakaranas ng matinding kahirapan.

Facebook Comments