Manila, Philippines – Hinikayat ng Department of Interior and Local Government (DILG) ang publiko na patuloy na isumbong ang bilihan ng boto sa kanilang lugar kahit tapos na ang eleksyon.
Ayon kay Interior Secretary Eduardo Año, kailangan ng gobyerno ang isang mapagbantay na publiko para ganap na matuldukan ang isyu ng bilihan ng boto.
Aniya, mahalaga ito sa hangaring mapalakas ang diwa ng demokrasya sa bansa.
Ani Año, maaaring ihain ang mga reklano ng vote buying sa pinakamalapit na tanggapan ng Commission on Elections (Comelec), Philippine National Police (PNP) at National Bureau of Investigation (NBI).
Pinuri naman ni Año ang Comelec, DILG, PNP at NBI sa pagkompronta sa insidente ng vote-buying sa katatapos na 2019 midterm elections.
Batay sa datos ng PNP, aabot sa 441 na katao ang naaresto dahil sa vote buying