DILG, pinayuhan ang publiko na iwasan ang Christmas gatherings

Nagbabala ang Department of Interior and Local Government (DILG) na mahigpit na ipapatupad ang helath standard protocols at guidelines ng Inter-Agency Task Force (IATF) habang papalapit ang Holiday Season.

Ayon kay Interior Secretary Eduardo Año, ipagdiwang sana ang Yuletide season na hindi masyadong magarbo pero dapat may malalim na paggunita sa diwa ng Pasko.

Sa halip na magtungo sa mga party at iba pang kaparehas na okasyon, mas makabubuti na ibahagi ang blessing sa mga kapos palad lalo na sa mga biktima ng kalamidad.


Umapela ang kalihim sa publiko na palampasin na ang 2020 na walang traditional Christmas parties, inuman, caroling at iba pang aktibidad lalo na at nananatiling banta ang COVID-19.

Pagtitiyak ni Año na may mga pulis na nakakalat sa mga matataong lugar para matiyak na nasusunod ang quarantine protocols.

Facebook Comments