Pinuri ni Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Eduardo Año ang Metro Manila mayors sa pagbabawal sa mga menor de edad na umalis sa kanilang bahay at magtungo sa mga malls ngayong holiday season sa gitna ng COVID-19 pandemic.
Ayon kay Interior Secretary Eduardo Año, malilikot ang mga bata at maaari silang maging carriers ng virus.
Posibleng maipasa nila ang virus sa kanilang mga lolo at lola kapag umuwi sila sa kanilang mga bahay.
Dagdag pa ni Año, ang technical working group ng Inter-Agency Task Force (IATF) ay nagpanukala ng mga lugar na maaaring luwagan o higpitan ang quarantine protocols na walang rekomendasyon sa iba pang sektor.
Ang Metro Manila ay dapat mayroong uniform mall restrictions.
Sa mga lugar na nasa ilalim ng MGCQ, ang mga indibiduwal may edad 15 hanggang 65 anyos ay papayagang lumabas ng kanilang mga bahay.