DILG, pinuri ang mga LGUs na sumunod sa utos na clearing operations

133

Pinuri ni DILG Undersecretary Epimaco Densing ang lahat ng Local Government Units sa pagtugon ng mga ito sa utos ng Pangulong Rodrigo Duterte na linisin ang kanilang lungsod sa obstruction.


Ginawa ni Densing ang pahayag sa ginanap na Metro Manila Council sa MMDA kung saan dumalo dito ang ilang alkalde at kanilang mga Chief of Staff sa National Capital Region kasama si NCRPO Chief Maj. Gen. Guillermo Eleazar.

Ayon kay Densing, maituturing na tagumpay ang mga clearing operations dahil nagawa ng mga opisyal na maabot kahit papaano ang target maging si Eleazar ay tumugon din sa kautusan gaya ng pagpapalipat niya o pagtanggal sa mga police community precint na sagabal sa lansangan.

Hinimok naman ni Densing ang mga alkalde na kasuhan ang mga opisyal ng barangay na hindi sumunod sa kautusan at kung hindi nila ito kaya ay sila na ang maghahain ng reklamo basta ibigay lamang sa kanila angg ebidensiya.

Facebook Comments