Ikinalugod ng Department of the Interior and Local Government (DILG) ang napakalaking tagumpay ng mga ikinasang anti-illegal drugs campaign ng pinagsanib na Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) at Philippine National Police (PNP) na nagresulta sa pagkaka- kumpiska ng kabuuang ₱13.2-B na halaga ng illegal drugs.
Ayon kay DILG Secretary Eduardo Año, mula March 6-19, nakakumpiska ang mga anti-drugs operatives ng abot sa 1,775.2 kilos ng shabu at 421.5 kilos ng marijuana.
Ani Año, ito ang pinakamalaking drug haul sa kasaysayan ng anti-illegal drugs program ng gobyerno.
Kabilang sa major operations ay isinagawa sa Karuhatan, Valenzuela noong March 8 na nagresulta sa pagkakasamsam ng 160 kilos ng shabu na may street value na ₱1.08-B at pagkaka -aresto ng isang Chinese national at asawang Filipina.
Sinundan ito ng operasyon sa Infanta, Quezon noong March 16, kung saan nasamsam ang abot sa 1,600 kilos ng shabu na may street value na ₱12-B.
Mayroong 1,794 drug raids sa nabanggit na panahon na nagresulta sa pagkakalambat ng nasa 61 drug suspects.