DILG, planong lagyan ng sticker ang mga bahay na Drug Free

32

MANILA, PHILIPPINES – Plano ng Department of Interior and Local Government na lagyan ng sticker ang mga bahay na drug free.

 

Ayon kay DILG Sec. Mike Sueño, makakaengganyo ito sa mga pamilya na panatilihing drug free ang kanilang komunidad.

 

Aniya, mag-iikot ang peace and order council na kinabibilangan ng mga brgy staff at pulis na tutukuyin at didikitan ng drug free stickers ang mga bahay na walang droga.

 

Ang mga seal o sticker aniya ay dapat nakadikit sa harapan ng bahay para makita ng mga pulis.

 

Nilinaw naman ng kalihim na patuloy pa ang konsultasyon para mapaganda ang programang ito.



Facebook Comments