Mag-iinspeksyon ang ilang matataas na opisyal sa Quiapo church ngayong araw bilang paghahanda pa rin sa pista ng itim na Nazareno bukas, January 9.
Pangungunahan ito ni Department of the Interior and Local Government (DILG) Sec. Benhur Abalos kasama sina Philippine Nationa Police (PNP) Chief PGen. Benjamin Acorda Jr., Mayor Honey Lacuna, Bureau of Fire Protection (BFP) Chief Gen. Louie Puracan, Metropolitan Manila Development Authority- General Manager (MMDA-GM) Procopio Lipana at Manila Police District (MPD) Director PCol. Arnold Thomas Ibay.
Layon ng occular inspection na matiyak ang kahandaan ng mga naka-deploy na mga tauhan ng PNP, BFP at iba pang ahensya ng pamahalaan para sa pista ng itim na Nazareno na inaasahang lalahukan ng milyon-milyong deboto.
Una nang sinabi ng PNP na all systems go na sa latag ng seguridad kung saan nagpakalat sila ng 15,000 mga pulis at mayruon ding standby force.
Nabatid na ipinatutupad na sa ngayon ang no fly, no drone at no sail zone sa bisinidad ng Quirino Grandstand hanggang sa Quiapo Church.
Epektibo na rin ang gun ban maging ang liquor ban.