DILG, pumalag sa pagpapakalat ng Makabayan bloc ng fake news tungkol sa Barangay Development Program

Inalmahan ng Department of the Interior and Local Government (DILG) ang alegasyon ng Makabayan bloc na hindi naramdaman ang mga proyekto at nasayang lang umano ang bilyon-bilyong pondo na ibinuhos sa mga barangay na sinasabing napalaya na sa impluwensya ng New People’s Army.

Hinamon ni DILG Undersecretary at National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC) Spokesperson Jonathan Malaya si Bayan Muna Rep. Eufemia Cullamat na patunayan ang alegasyon nito na walang napuntahan ang P16.2B na Barangay Development Fund (BDF).

Tinawag ni Malaya na makapal ang mukha ng Makabayan bloc.


Naniniwala si Malaya na ipinapakalat ng grupo ang naturang fake news upang mapagkaitan ng mga development projects ang mga liblib na barangay.

Una nang iniulat ng DILG na nakapagpalabas na ng P16.26B na BDP fund para gastusan ang 2,281 projects ng 813 barangays.

Ani Malaya, ang BDP funds ay di napapasakamay ng National Task Force to End Local Communist Armed Conflict kundi direktang pinalalabas ng Department of Budget and Management sa mga LGUs na siya namang humahawak ng procurement process at nagpapatupad ng mga proyekto.

Facebook Comments