Pupulungin ngayong araw sa Malacañang ng Department of the Interior and Local Government (DILG) ang nasa 1,715 local chief executives.
Ipapaliwanag ng DILG ang Memorandum Circulars 2020-018 at 023 patungkol sa tugma at maayos na tugon laban sa novel coronavirus (nCoV).
Ayon kay DILG Secretary Año, personal na sasagutin ni Pangulong Rodrigo Duterte ang tanong ng mga lokal na ehekutibo sa direksyon ng pinalakas na government response laban sa nCoV at sa banta ng ASF sa buong bansa.
Pag-uusapan din ang implementasyon ng Executive Order 70 o Ending Local Communist Armed Conflicts (ELCAC).
Dadalo rin sa pulong sina Department of Health Secretary Francisco Duque at National Security Adviser Hermogenes Esperon, Jr.
Facebook Comments