DILG, pupulungin sa darating na linggo ang mga UP officials kaugnay ng 1992 UP-DILG accord

109

Ipinatawag ng Department of the Interior and Local Government (DILG) sa isang pulong sa darating na linggo ang mga opisyales ng University of the Philippines (UP).

Layon nito na pag-usapan na rin ang 1992 UP-DILG Accord.


Ayon kay DILG Officer-in-Charge Usec. Bernardo Florece, igigiit nila na ma-review ang kasunduan na nagbabawal din sa mga pulis na makapasok sa loob ng UP campus.

Sinabi ni Florece na panahon na rin upang silipin ang latag ng seguridad sa loob ng UP village.

Facebook Comments