DILG, pursigidong mailabas ang narco-list bago ang eleksyon

Iginiit ng Department of Interior and Local Government (DILG) ang paglalabas ng narco-list bago ang May 13 midterm elections.

Ayon kay DILG Spokesperson, Undersecretary Jonathan Malaya – bahagi ito ng “honest to goodness” efforts ng pamahalaan na paigtingin ang kampanya kontra ilegal na droga.

Aniya, ang paglalabas ng narco-list ay walang intensyon na dungisan ang imahe ng mga kandidato ng oposisyon.


Hindi rin titigil ang DILG na gampanan ang kanilang mandatong pangasiwaan ang mga local government position.

Bago pa man nagsimula ang kampanya ng mga lokal na kandidato, una nang inanunsyo ni Pangulong Duterte ang pangalan ng mga pulitikong sangkot sa ilegal na droga.

Facebook Comments