
Hindi dinamdam ni Department of the Interior and Local Government (DILG) Sec. Jonvic Remulla ang mga pagmumura at pang-aalipusta sa kaniya ng ilang raliyista sa Mendiola kahapon sa Trillion Peso March.
Sa Malacañang press briefing, sinabi ni Remulla na habang mino-monitor ang kilos-protesta, tinanggap niya ang banat bilang bahagi ng trabaho at reyalidad ng pulitika.
Mas mahalaga aniya ang kaayusan kaysa sa sarili niyang emosyon.
Ayon kay Remulla, karapatan ng mamamayan ang magpahayag basta’t mapayapa at walang gulo.
Tiniyak din ng kalihim na nakatutok ang DILG sa seguridad sa mga susunod na pagtitipon, anoman ang sigaw ng taumbayan sa kalsada.
Facebook Comments









