DILG, sang-ayon na armasan na ang mga bumbero

Ipinahayag ni Interior Secretary Eduardo Año na napapanahon na upang armasan ang  mga bumbero.

Sinabi ng Department of the Interior and Local Government Chief (DILG) na malaki ang maitutulong nito sa kampanya ng pamahalaan laban sa kriminalidad, illegal drugs, terorismo, at violent extremism.

Ani Año, alinsunod ito sa direktiba ni Pangulong Rodrigo Duterte na hindi lamang sila limitahan sa fire-fighting ang trabaho ng Bureau of Fire Protection (BFP), kundi tutulong din sila sa pagmentina sa katahimikan at kaayusan ng bansa.


Humirit na ng karagdagang pondo ang BFP sa Department of Budget and Management (DBM)  para ipambili ng 29,286 na 9MM firearms para sa uniformed BFP personnel.

Facebook Comments