DILG Sec. Abalos at PNP Chief Marbil, nasa Indonesia na para sunduin si Guo

Dakong alas 2:30 kaninang madaling araw nang lumpag sa Soekarno Hatta International airport sa Jakarta, Indonesia ang team nina PNP Chief PGen. Rommel Francisco Marbil at DILG Secretary Benjamin Abalos Jr.

Ito’y upang personal na sunduin si dismissed Bamban Tarlac Mayor Alice Guo at ibalik ito sa bansa para harapin ang mga reklamong kinasasangkutan hinggil sa illegal POGO operations.

Nauna nang umalis sina Marbil at Abalos sa NAIA dakong alas 11:20 kagabi sakay ng 8-seater plane patungo ng Indonesia.


Samantala, wala pang detalyeng ibinigay ang PNP at DILG hinggil sa umano’y palit ulo ni Guo sa isang Australian drug Kingpin na si Gregor Johan Haas.

Si Haas ay nasukol ng Bureau of Immigration fugitive search unit sa Bogo, Cebu noong Mayo 15 na tinaguriang most wanted drug trafficker sa Indonesia.

Facebook Comments