Hinamon ni Interior Secretary Benhur Abalos si Negros Oriental 3rd District Congressman Arnolfo Teves Jr., na dumulog at magreklamo sa korte kung sa tingin niya ay hindi tama ang ginagawa sa kanya ng pamahalaan.
Ito ang sagot ni Abalos sa alegasyon ni Teves na nagagamit siya laban sa negosyo at sa politika.
Sa kanyang pagtungo kanina sa Department of Justice (DOJ), iginiit ni Abalos na may karapatan ang bawat isa at kung sa tingin niya ay hindi tama ang ginagawa laban sa kanya.
Aniya, maaari naman magreklamo sa korte si Teves at isa yung pagpapakita ng demokrasya kaya mayroon tayong hukuman.
Sinabi pa ni Abalos na itinalaga siya sa DILG para gawin ang mandato kung saan ang mga nakakagawa ng pagkakamali ay dapat panagutin sa batas kasabay na rin ng karapatan na ipagtanggol ang sarili.