Handa si Department of Interior and Local Government (DILG) Secretary Eduardo Año na pangasiwaan ang Philippine National Police (PNP) hanggang sa makapili si Pangulong Rodrigo Duterte ng susunod na mamumuno nito.
Matatandaang itinalaga ng Pangulo si Año na pamunuan ang PNP.
Ayon kay Año – bilang kalihim ng DILG at chairman ng National Police Commission (NAPOLCOM) at alter ego ng Pangulo, gagawin niya ang nakaatas sa kanya.
Pero nilinaw ni Año – patuloy pa ring naghahanap ang Pangulo ng permanenteng PNP chief.
Aniya, binabantayan niya ang performance at conviction ng mga kandidato lalo na sa paglaban sa ilegal na droga at sa pag-professionalize sa PNP ranks.
Dagdag pa ni Año – tututukan niya ang PNP sa pamamagitan ni Police Lt/Gen. Archie Francisco Gamboa na itinalagang officer-in-change ng pambansang pulisya.
Bukod kay Gamboa, inirekomenda ni Año kay Pangulong Duterte bilang susunod na chief pnp sina Police Lt/Gen. Camilo Cascolan at Police Major Gen. Guillermo Eleazar.