DILG Sec. Año, pinaalalahanan si PNP Chief Eleazar

299

Pinaalalahanan ni Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Eduardo Año si Philippine National Police (PNP) Chief Gen. Guillermo Eleazar na protektahan ang Konstitusyon habang nilalabanan ang iligal na droga at terorismo.

Ayon kay Año, dapat mangunang mamuno at magpakita ng integridad si Eleazar para sundan ng iba pang kapulisan.


Dapat din aniyang lumayo sa mga temtasyon ang bagong PNP Chief.

Nabatid na si Eleazar ang ika-26 na hepe ng Pambansang Kapulisan.

Facebook Comments