DILG Sec. Eduardo Año, positibo sa COVID-19

148

Kinumpirma mismo ni Department of Interior and Local Government (DILG) Sec. Eduardo Año na nagpositibo siya COVID-19.

Aniya, March 26, 2020, nalaman niyang apat na tao na kanyang nakasalamuha ay mga nagpositibo sa COVID-19 kaya agad siyang nagsimula sa kanyang 14-day quarantine.


Nitong March 27 ay nagpa COVID-19 test ang Kalihim at kanina inilabas ng Research Institute for Tropical Medicine (RITM) ang resulta at sinabing positibo siya virus.

Nanawagan naman ngayon si Secretary Año sa lahat ng kanyang mga nakasalamuha na mag self-quarantine na rin batay na rin sa Department of Health (DOH) guidelines.

Facebook Comments