DILG Sec. Jonvic Remulla, hinimok ang mga pulis na gawing mas ligtas ang mga komunidad sa bansa

Nanawagan si Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Jonvic Remulla sa harap ng mga pulis sa Metro Manila, na dapat ay mas maging safe o ligtas ang mga tao at ang mga komunidad sa kabila ng mga pagbabagong nararanasan ng bansa dahil sa internet at social media.

Sinabi ito ni Remulla sa ginanap na pagbubukas ng simultaneous intensified and recalibrated police visibility sa National Capital Region Police Office (NCRPO) sa Camp Bago Diwa, Taguig City.

Humarap si Remulla sa ilan sa mga NCRPO personnel para sa maiksing briefing bago ang kani-kanilang deployment.

Saglit rin na nag-inspeksyon at kinamusta ni Remulla ang kalagayan ng ilan sa mga pulis ng NCRPO bago ito magtungo sa Camp Caringal.

Facebook Comments