DILG Sec. Jonvic Remulla, pinagmumura ng ilang raliyista matapos na bumisita sa recto ngayong Trillion Peso March protest

Minura ng ilang raliyista si Department of the Interior and Local Government (DILG) Sec. Jonvic Remulla matapos itong magpunta ngayon sa Recto Avenue.

Ito’y kasunod pa rin ng Trillion Peso March version 2.0 na ikinasa ng iba’t ibang grupo ngayong araw.

Sigaw ng ilang raliyista, bumaba ang kalihim sa container van at harapin sila.

Hindi naman ito sinununod ng kalihim bagkus ay dumaan ito sa likod.

Ayon kay Remulla, nagtungo siya ngayon sa Recto para alamin ang sitwasyon at bantayan ang galaw ng mga nagkakasa ng pagkilos kahit na mas organisado ang nangyari ngayon.

Nais lamang aniya na matiyak ang seguridad ng publiko habang nagsasagawa ng kanilang protest-rally kontra korapsyon.

Facebook Comments