
Kinumpirma ni Department of the Interior and Local Government (DILG) Sec. Jonvic Remulla na bise alkalde ng Bansud Oriental Mindoro ang nagmamay-ari ng bahay kung saan naaresto si Engr. Dennis Abagon, isa sa mga akusado ng flood control anomaly.
Kaugnay nito, patuloy na iniimbestigahan ng National Bureau of Investigation (NBI) at DILG ang tunay na dahilan at “nature” ng pananatili ng akusado sa bahay nang nasabing bise alkalde.
Si Abagon ay nabigong arestuhin sa kanyang dating address sa Cavite at noong Linggo ay tuluyan na syang naaresto ng NBI sa Quezon City kung saan kasama sa mga naaresto ay dalawang indibidwal na kanyang kasama sa nasabing bahay.
Facebook Comments









