DILG secretary Abalos, inatasan ang PNP na magkasa ng manhunt operation sa mga nag ambush kay Lanao del Sur Governor Mamintal Adiong

Nagbigay na ng direktiba sa Philippine National Police (PNP) si (DILG) Department of the Interior and Local Government Secretary “Benhur” Abalos Jr., na agad magsagawa ng manhunt operations upang agad na mahuli ang mga armadong katao na nang ambush kay Lanao del Sur Governor Mamintal “Bombit” Alonto-Adiong, Jr., at kaniyang mga kasamahan sa bayan ng Maguing, Lanao del Sur.

Nagpahayag din ang DILG chief ng mariing pagkondena sa pangyayari.

Ani Abalos, bagama’t nakaligtas si Gov. Bombit, napakalungkot na nasawi ang ilan sa kanyang mga kasamahan sa insidente.


Nagparating na ng pakikidalamhati ang DILG sa pamilya ng mga nasawi kasabay ng pangakong hindi titigil ang buong puwersa ng kapulisan hanggang hindi nahuhuli at nabibilanggo ang mga suspek.

Mahigpit ang tagubilin ni Abalos sa PNP na makipag-ugnayan sa mga military units sa pagtugis sa mga suspek upang malaman ang motibo sa pananambang.

Facebook Comments