DILG Secretary Año, mas nais na mag-deploy ng maraming public transport vehicles kaysa magbawas ng distansya sa public transportation

Mas pabor si Interior Secretary Eduardo Año na magdeploy na lamang ng dagdag na Public Utility Vehicles (PUVs) sa halip na magbawas ng distansiya sa mga pasahero.

Para kay Año, Vice Chairman ng National Task Force against COVID-19, mas gusto niyang mapanatili ang one meter physical distancing sa mga public transport upang matiyak na walang hawahan ng COVID-19.

Posible rin kasi aniyang makagulo pa ang bagong patakaran sa ginagawang contact tracing efforts ng gobyerno.


Dagdag ng kalihim, ibubukas niya ang kaniyang concern sa pulong bukas ng Inter-Agency Task Force kung saan tatalakayin muli ang usapin ng pagluluwag sa social distancing.

Si Año ay dalawang ulit na nakarekober matapos tamaan ng COVID-19.

Facebook Comments