Nag-alok si Interior Secretary Benhur Abalos ng ₱500,000 na pabuya sa sinumang makapagbibigay ng anumang impormasyon upang maaresto ang mga nasa likod ng pamamaril sa broadcaster na si Percy Lapid.
Anunsyo ito ni Abalos matapos bisitahin ang lamay ni Lapid kahapon.
Ayon sa kalihim, iiwan nito ang pabuya sa Philippine National Police (PNP) upang makatulong sa imbestigasyon sa pagkamatay ni Lapid.
Muling iginiit nito ang pangako na bibigyan ng Department of the Interior and Local Government (DILG) ng hustisya ang pagkasawi ng mamamahayag sa tulong ng PNP.
Sa ngayon, nasa proseso na ang mga awtoridad sa pagkilala sa dalawang suspek na nasa likod ng pamamaril kay Lapid noong Lunes ng gabi habang pauwi sa kaniyang bahay sa Las Piñas City.
Facebook Comments