DILG SECRETARY BUMISITA SA BJMP DAGUPAN BILANG BAHAGI NG PAGSULONG SA BIDA PROGRAM NG PAMAHALAAN

DAGUPAN CITY – Matapos maganap ang malaking pagtitipon ng iba’t ibang indibidwal para sa pagsusulong ng kampanya ng pamahalaan laban sa droga sa Lungsod ng Dagupan kahapon ika-29 ng Abril.
Dahil dito personal na binisita ni DILG Secretary Atty. Benjamin Abalos Jr. ang kasalukuyang sitwasyon at kalagayan ng mga Person Deprived of Liberty (PDL) sa Bureau of Jail Management Penology Dagupan bilang bahagi ng pagsusulong sa Buhay Ingatan Droga’y Ayawan (BIDA) program ng pamahalaang pambansa.
Inilahad ng kalihim ang kanyang mensahe sa kaniyang talumpati sa pagnanais ng pamahalaan na magkaroon ng halfway home ang mga PDLs na kakalabas pa lamang na hindi agad makakauwi sa kanilang tahanan.

Ang layunin ng pagbisita ni Abalos sa lugar ay upang ibahagi na ang programang BIDA na isang formation program ng pamahalaan, upang ilayo ang mga ito sa ilegal na gawain at sa ilegal na droga. Suportado ang naturang programa ng pamahalaang lungsod ng Dagupan. #𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨
Facebook Comments