DILG Secretary Eduardo Año, balik trabaho na ngayong araw

28

Matapos bigyan ng clearance ng kaniyang doctor, balik trabaho na ngayong araw si Interior Secretary Eduardo Año.

Gayunman, work-from-home muna ang kalihim bago bumalik sa full normal routine.


Si Año ay dalawang ulit na nagpositibo sa COVID-19 at nitong huli ay sumailalim siya sa operasyon sa puso.

Sa inilabas na statement ng Department of the Interior and Local Government (DILG), masigla at mataas umano ang morale ng DILG Chief at sabik nang gampanan ang mga trabaho sa National Task Force COVID-19 at sa Inter-Agency Task Force on Emerging Infectious Diseases (IATF-EID).

Facebook Comments