DILG Secretary Jonvic Remulla, nag-sorry na sa istilo ng pag-aanunsyo ng suspesyon ng pasok sa mga paaralan at trabaho sa social media

Humingi ng pasensya si Interior Sec. Jonvic Remulla sa mga na-mis-interpret ang kaniyang istilo ng pag-aanunsyo ng suspesyon ng pasok sa mga paaralan at trabaho sa social media sa gitna ng masamang panahon.

Umani ng batikos sa mga netizens ang pananalita ng kalihim sa opisyal na Facebook page ng Department of the Interior and Local Government (DILG), gaya ng “mga abangers, sarap ng bogchi ko. Sa kabusugan ay naka-idlip nang sandali.”

Sinabi ni Remulla na batid niyang “daming letga” o maraming galit. Pero pasensya na aniya, dahil hindi na magbabago ang kanyang ugali.

Ayon kay Remulla, kung ang biro niya ay hindi karapat-dapat para sa mga tao, tandaan aniya na wala naman siyang minura, minaliit o hinamak.

Wala rin aniya siyang binola o sinabing kasinungalingan.

Dagdag ni Remulla, ang isang maliit na katatawanan ay hindi naman nakakasakit ng sinuman.

Facebook Comments