Manila, Philippines – Walang makapipigil sa pag-arangkada na ng Manila Bay Rehabilitation Program matapos ilunsad ang clean-up drive noong Enero 27.
Ito ang inihayag ni DILG Assistant Secretary Jonathan Malaya, kasunod ng panawagan ng Makabayan bloc na ipagpaliban ang rehabilitasyon sa coastal areas para bigyang daan pa raw ang maraming pag-aaral at konsultasyon.
Aniya maituturing na nasa kritikal na kondisyon na ang Manila Bay at hindi na maaaring ma-delay pa ang pagsasaayos nito.
Dagdag pa ni Malaya, ang rehabilitasyon ay hindi lamang iniutos ni Pangulong Duterte kundi alinsunod sa kautusan ng Korte Suprema ng magpalabas ng mandamus noong 2008.
Inaatasan nito ang 13 government concerned agencies para isailalim sa rehabilitasyon ang Manila Bay.
Sa halip na humingi ng postponement, mas makakabuti na gawin na lamang ng Makabayan bloc ang kanilang tungkulin para makatulong sa gobyerno sa paglilinis ng Manila Bay.