
Sisimulan na ngayong araw ng Department of Interior and Local Government (DILG) ang pag-iinspeksyon sa mga bayan at siyudad sa bansa.
Ito ay dahil natapos na ang deadline para sa mga lokal na pamahalaan para sa road clearing operations.
Ayon kay DILG Undersecretary Martin Diño – kasama nila ang mga tauhan at opisyal mula sa Bureau of Fire and Protection (BFP) at Bureu of Jail Management and Penology (BJMP) sa pagbisita sa ilang local areas.
Aniya, beberipikahin nila ang ulat sa kanila ng mga alkalde na 100% ang kanilang clearing operation.
May mga natatanggap pa rin silang mga ulat na may ilang lugar na hindi pa rin nalilinis mula sa obstructions taliwas sa deklarasyon ng mga LGU.
Facebook Comments









