Suportado ng Department of the Interior and Local Government (DILG) ang posisyon ng National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC) na huwag nang makipag-usap-pangkapayapaan sa CPP-NPA-NDF.
Naniniwala si Officer-in-Charge at Undersecretary Bernardo Florece Jr. na pagsasayang lang ng oras ang anumang back channel efforts sa komunistang grupo dahil hindi naman ito nagpapakita ng sinseridad.
Malinaw na aniya sa DILG at sa mga mamamayan ang CPP-NPA-NDF ay hindi seryoso sa kapayapaan.
Hindi na aniya sasabay sa ilang dekadang tugtugin ng mga komunistang grupo ang gobyerno.
Ani Florece, mas pabor ang DILG sa localized peace engagements dahil direktang may partisipasyon ang komunidad ang lokal na pamahalaan at ang mga rebeldeng grupo.
Aniya, sa pamamagitan ng localized approach, mas mapag-uusapan ang mga problema at mahahanapan ng solusyon ng mga local chief executives at mga rebel groups na kumikilos sa lugar.
Simula noong December 12, 2020, may kabuuang 1,311 na probinsiya, lungsod at munisipalidad na magdeklara na persona non grata ang NPA sa kanilang lokalidad.
Nasa 25,520 na barangay rin ang nagpasa ng mga resolusyon na nagdedeklara na hindi welcome sa kanilang komunidad ang mga NPA.