DILG, suportado ang pagbuhay sa death penalty

Suportado ng Department of the Interior and Local Government (DILG) na hatulan ng parusang kamatayan ang mga pulis na nakakagawa ng karumal-dumal na krimen.

Ito ang pahayag ng kagawaran kasunod ng pagkamatay ng mag-inang Sonya at Frank Gregorio sa kamay ni Police Staff Sergeant Jonel Nuezca.

Ayon kay Interior Secretary Eduardo Año, dapat mailagay sa death row ang mga ganitong pulis kung muling maibalik ang capital punishment sa bansa.


Bukod dito, sinabi rin ni Año na maaari ring ipataw ang death penalty sa mga nakagawa ng drug related crimes partikular sa mga drug lords, mga miyembro ng drug syndicates at iba pang heinous crimes na ginawa ng mga unipormadong tauhan ng pamahalaan.

Una nang sinabi ng Malacañang na nasa desisyon na ng Kongreso ang panukalang pagbuhay sa death penalty.

Facebook Comments