DILG, suportado ang pagpapaboto sa mga may sintomas ng COVID-19

Iginiiit ng Department of the Interior and Local Government (DILG) na hindi dapat maging hadlang ang sintomas ng COVID-19 para hindi makaboto ang publiko sa halalan sa Lunes, May 9.

Sa Talk to the People ni Pangulong Rodrigo Duterte, sinabi ni DILG Sec. Eduardo Año na nagpirmahan na sila ng multilateral memorandum of agreement ng Commission on Elections (COMELEC) at Department of Health (DOH) para siguraduhing mapaigting ang pagpapatupad ng minimum public health standards sa mga polling center.

Ayon kay Año, magtatayo sila ng isolation polling places para sa mga botanteng makararamdam ng sintomas ng sakit tulad ng sipon, ubo at lagnat pero papayagan pa ring makaboto.


Maliban dito ay maglalagay rin sila ng medical help desk na siyang tututok sa isolation polling centers.

Naka-standby rin aniya ang mga barangay health emergency response team para sakaling kailanganin ng COMELEC ng dagdag na manpower.

Iginiit pa nito na obligasyon ng ahensya na mapangangalagaan ang karapatan ng bawat isa na makaboto kasabay ng pagiging ligtas kontra COVID-19.

Facebook Comments