Naging matagumpay ang dialogue sa pagitan ng Archdiocese of Manila at ng Department of the Interior and Local Government (DILG).
Matapos suportahan ng DILG ang posisyon ng Catholic Bishops Conference of the Philippines (CBCP), pinahintulutan na rin ng Inter-Agency Task Force (IATF) ang hirit na 10% capacity ng mga isasagawang religious services lalo na ngayong panahon ng Semana Santa.
Ayon kay Undersecretary at Spokesperson Jonathan Malaya, pinakinggan nila ang kahalagahan ng spiritual support ngayong mataas ang kaso ng mental health problem dulot ng pandemya.
Nangako aniya ang CBCP na istriktong susundin ang lahat ng minimum health standards partikular sa physical distancing.
Gayunman, nanatili ang panawagan ng DILG sa mga mananampalataya na manatili na lang muna sa loob ng bahay at makinig ng misa sa online platform upang makatulong sa pagpapababa ng COVID-19 cases.