DILG, suportado ang planong pagbuo ng inter-agency task force laban sa ginagawang recruitment para sa Red October plot

Manila, Philippines – Hiniling ni DILG OIC-Secretary Eduardo Año sa iba’t-ibang ahensya na tulungan ang Department of National Defense (DND) at DILG para biguin ang communist recruitment para sa Red October plot.

Ayon kay Año, dapat natapatan ng gobyerno ang paggamit sa isyu ng corruption ng tumataas na presyo ng bilihin, tensyon sa labor sector at isyu ng mga indigenous peoples para mag-alab ang anti-government sentiments.

Ayon kay Año, bagaman at tagumpay ang pulisya at militar sa aspeto ng security efforts sa kabundukan, dehado pa rin ang gobyerno sa aspeto ng propaganda war.


Dito aniya papasok ang national task force para sa agresibong paghahatid ng kinakailangang pampublikong serbisyo sa publiko.

Mas kapado kasi ng civilian government agencies ang reklamo ng publiko na malimit ay sinasamantala ng mga manghihimagsik.

Ginawa ni Año ang pahayag bilang tugon sa patutsada ni National Democratic Front of the Philippines consultant Rey Casambre na mabibigo ang ikinakasang inter-agency task force na tapusin ang insurgency problem sa bansa.

Facebook Comments