DILG, suportado ang planong ‘wag nang magdeklara ng holiday ceasefire sa CPP-NPA

119

Suportado ng Department of the Interior and Local Government o DILG ang plano ng Defense Department na huwag nang magdeklara ng holiday ceasefire sa CPP-NPA.

Ayon kay DILG Secretary Eduardo Año, may iba pang mga paraaan para makamit ang kapayapaan.


Sinabi ni Año na bukas ang gobyerno  na tatanggapin  ang mga magbabalik loob na rebelde upang makapagsimula ng panibagong buhay.

Ibibigay din aniya sa mga magbabalik loob ang lahat ng mga benepisyo at pagkakataon upang maging isang kapaki-pakinabang na mamamayan ng bansa.

Magugunitang sinabi ni Defense Secretary Delfin Lorenzana na hindi siya magrerekumenda ng holiday ceasefire para sa CPP-NPA dahil ginagamit lang ito para magpalakas ng puwersa.

Facebook Comments

From Advertisers