DILG, suportado ang PNP e-Sumbong system ng PNP

36

Suportado ng Department of the Interior and Local Government (DILG) ang “e-Sumbong” system at intensified cleanliness policy na inilunsad ni Philippine National Police (PNP) Chief Guillermo Eleazar.

Ayon kay DILG Secretary Eduardo Año, sa pamamagitan ng e-Sumbong, mas mapapabilis ang aksyon sa mga krimen at sumbong mula sa publiko maliban pa sa malilinis ang hanay ng mga kapulisan sa bansa.


Nagbabala naman si Año sa publiko na gamitin lang ang e-Sumbong sa legitimate complaints.

Tiyak aniyang mapaparusahan ang mahuhuling pranks callers.

Maaari aniyang matunton ang mga ito sa pamamagitan ng PNP Anti-Cybercrime Group.

Facebook Comments