DILG, suportado ang posibleng pagdedeklara ng Martial Law sa gitna ng COVID-19 crisis

Suportado ng Department of Interior and Local Government (DILG) ang posibleng pagdedeklara ng martial law ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Ito ay kung magtutuloy-tuloy ang mga pag-atake ng New People’s Army (NPA) sa gitna ng COVID-19 pandemic.

Ayon kay DILG Secretary E duardo Año, kung dumating sa pagkakataong magdeklara ng batas militar ang Pangulo ay hindi siya magdadalawang-isip na suportahan ito.


Matatandaang ikinagalit ni Pangulong Duterte ang pagpatay ng NPA sa dalawang sundalo na nag-escort lamang para magdala ng ayuda sa mga apektado ng krisis sa COVID-19.

Isang pulis at Local Government Official naman ang nasugatan sa pananambang ng mga hinihinalang miyembro ng NPA sa bayan ng Moreal sa Masbate.

Facebook Comments