
Suportado ng Department of the Interior and Local Government (DILG) sa pagkakatalaga ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., kay Criminal and Investigation and Detection Group (CIDG) Director PMaj. General Nicolas Torre III bilang bagong hepe ng Philippine National Police (PNP).
Sa isang pahayag, sinabi ni DILG Secretary Jonvic Remulla na ang desisyon ng Pangulo ay bunga ng masusing pagsusuri sa matibay na kwalipikasyon at maayos na serbisyo ni Torre.
Ayon kay Remulla, kumpiyansa ang DILG na maghahatid ng pagbabago sa PNP si Torre.
Nangako si Remulla na nakahanda silang makipagtulungan upang isulong ang mga reporma sa loob ng PNP, partikular sa paglaban sa iligal na droga at kriminalidad.
Samantala, nagpasalamat naman ang DILG kay outgoing PNP Chief PGen. Rommel Francisco Marbil na nakatakdang magretiro sa June 7 dahil sa ipinakita nitong mahusay na liderato.









