DILG, suportado si Senator-elect Robin Padilla na pamunuan ang Senate Committee on Constitutional Amendments

Ibibigay ng Department of the Interior and Local Government (DILG) ang buong suporta nito kay Senator-elect Robin Padilla sakaling hawakan nito ang Senate Committee on Constitutional Amendments.

Ito ang ipinahayag ni Usec. Jonathan Malaya, Spokesperson ng DILG at Chairman ng Inter-Agency Task Force on Constitutional Reform.

Naniniwala si Malaya na may kakayahan si Padilla na pamunuan ang naturang kritikal na komite dahil kapado nito ang ilang kahinaan ng 1987 Constitution.


Nangako si Malaya na nakahandang ipagkakaloob ng DILG ang lahat ng technical support at iba pang tulong sa aktor upang maging epektibong mapamunuan ang naturang lupon.

Pinuri ng DILG si Padilla sa katatagan nito na gampanan ang isang gawain na tiyak na uulanin ng pagbatikos mula sa ilang grupo.

Ani Malaya, asahan na aniya na pupulitikahin ang isyu sa halip na pumasok ang mga kritiko sa isang matalinong debate.

Facebook Comments