Suportado ng Dept. of Interior and Local Government (DILG) na isailalim sa pamamahala ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) ang lahat ng bilangguan sa bansa.
Ayon kay DILG Sec. Eduardo Año, kailangan nang magkaroon ng iisang Government Jail Institution para masiguro ang matibay at pantay-pantay na pangangalaga sa mga bilanggo.
Sa tala, 13 mula sa 74 na Provincial Jails sa buong bansa ang pinangangasiwaan ng BJMP.
Facebook Comments