Tinawag ng Department of the Interior and Local Government (DILG) na gawa-gawa lang ng Makabayan Bloc ang pinalulutang na umano’y hitlist laban sa mga leftist group.
Tugon ito ni ni Undersecretary Bernardo Florece Jr., sa naunang pahayag ni Bayan Muna Rep. Ferdinand Gaite patungkol sa hitlist.
Hindi rin pinatulan ni Florece ang panawagan ni Gaite na paimbestigahan ang DILG memorandum na nag-aatas sa mga regional director na tukuyin ang mga miyembro ng Confederation for Unity Recognition and Advancement of Government Employees o Courage at Alliance of Concerned Teachers na nakapasok sa gobyerno.
Ani Florece, bagamat kinikilala nito ang constitutional right ng sinumang empleyado na sumali sa anumang samahan, hindi umano ito ganap o absolute na karapatan.
Mayroon aniyang legal at moral right ang DILG na imbestigahan posibleng infiltration sa government service ng grupong balak pabagsakin ang gobyerno.
Sa ilalim ng Republic Act 6713 o Code of Conduct for Public Officials and Employees, inaasahan sa lahat ng civil servants na manatiling tapat sa bayan at Konstitusyon.