Manila, Philippines – Makikipag-ugnayan na ang Department of Interior and Local Government (DILG) sa Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) at iba pang intelligence agency para sa posibilidad ng pagsasampa ng kaso sa mga mayor na sangkot sa iligal na droga.
Ayon kay Assistant Secretary Janvier Echiveri, sa ngayon ay wala silang datos kung sino-sino ang nakapaloob sa nasa 40% na sangkot sa droga.
Sa ngayon, aniya ay umaarangakada na ang pag-build up nila ng kaso sa mga suspected narco-politicians.
Nakatutok din sila ngayon sa mga local chief executives na kinakitaan nila na pinatulog o hindi pinagana sa matagal na panahon ang kanilang MADAC o Municipal Anti-Drug Council.
Iba rin naman aniya ang trato nila sa mga tuwirang may kaugnayan sa sindikato ng droga.
Sa katunayan aniya, sa antas barangay, kahit may holdover capacity, ang mga barangay chairman na mapapatunayang sangkot sa iligal na droga ay masususpindi.