DILG, tiniyak na mabibigyan ng due process ang mga nakulong na Anakpawis members dahil sa paglabag sa ECQ

Tiniyak ng Department of the Interior and Local Government (DILG) na mabibigyan ng due process ang anim na Anakpawis members na nakulong matapos kasuhan ng Philippine National Police (PNP) dahil sa paglabag sa Enhanced Community Quarantine (ECQ).

Ayon kay DILG Undersecretary Jonathan Malaya, iginagalang ng ahensiya ang karapatan ng mga Anakpawis members pero tiniyak na mapanagot sila sa batas.

Sabi pa ni Malaya, may basehan ang PNP para kasuhan ang leftist group matapos silang mahuli sa checkpoint sa Norzagaray, Bulacan.


Malinaw na nilabag nila ang quarantine rules dahil hindi sila otorisado na lumabas ng bahay at nagpakita pa ng unauthorized food pass para makalusot sa mga checkpoints.

Wala rin silang koordinasyon sa Local Government Unit (LGU) ng Norzagaray para sa anila’y relief distribution.

Binigyang diin pa ni Malaya na kahit ang food pass na inisyu ng Department of Agriculture (DA) ay hindi valid sa pagsasagawa ng relief operations.

Kinasuhan na ng PNP ang Anakpawis members dahil sa paglabag sa Bayanihan to Heal As One Act at Department of Health (DOH) department order pati na si dating Partylist Representative Ariel Casilao dahil naman sa Usurpation of Authority.

Facebook Comments