Nakahandang ipatupad ng Department of the Interior and Local Government (DILG) at lahat ng sangay nito ang deklerasyon ng Pangulong Rodrigo Duterte na unilateral ceasefire sa New Peples Army (NPA) kaugnay ng pagdiriwang ng Pasko.
Ayon kay DILG Secretary Eduardo Año, nagpalabas na sila ng direktiba sa lahat ng unit ng Philippine National Police (PNP) na sumunod sa kautusang ng Pangulo.
Sa kabila nito, magiging mapagbantay pa rin umano ang pamahalaan at pananatilihin nila ang kanilang depensa.
Umaasa naman si Año sa kautusan na ito ng pangulo ay magiging masaya ang pagdiriwang ng Pasko ng mga pulis at sundalo kasama ang kanilang pamilya.
Una ng sinabi ni Año na hindi siya pabor na magpatupad ng tigil putukan sa mga NPA dahil ginagamitl lang itong pagkakataon para magpalakas muli ng pwersa.